Wednesday, September 19, 2007

Ang Tunay na Pag-kakaibigan

Ako si Aiza Marie T. Tamonan labing pitong taong gulang nakatira sa Parang Marikina, apat kaming mag-kakapatid lalaki ang panganay sumunod ako at ung dalawa ay babae rin ung pangatlo nasa ikalimang baitang at ung bunso nasa ikatlong taong baitang. Mas malapit ako sa kuya ko kaysa sa dalawa kong kapatid kasi nasasabi ko lahat sa kanya ang mga problema ko tungkol sa pag-ibig at sa paaralan. Marami rin akong kaibigan pero mas malapit sakin si Rakel dahil nasasabi namin sa isat-isa ang aming mga problema at sabay namin itong sinusulusyunan at hindi namin iniiwan ang isat-isa. At pag magkasama kami panandalian namin nakakalimutan ang aming problema dahil pareho naming nililibang ang aming sarili. At ngayon ngang nasa kolehiyo na ako at siya ay huminto hindi parin natatapos ang aming pag-kakaibigan di tulad ng iba na panandalian lang ang pagiging mag-kaibigan. Dahil kung minsan dinadalaw niya ako sa bahay kapag may libre siyang oras at ganon din ako sa kanya. Kahit na siya ay may trabaho panipilit parin niya akong puntahan para lang kamustahin ang aking kalagayan. At sobrang natutuwa ako sa kanya dahil pag pumupunta siya sa bahay lagi niya akong pinapatawa, at lagi nya saking sinasabi na wag daw akong sumimangot dahil baka pumanget daw ako sayang naman. Bilib din ako sa lakas ng loob niya dahil lahat ng klase ng malinis na trabaho ay papasukan niya para lang makaipon ng pera para sa pagpasok niya sa kolehiyo. At yun ang pag-uugali niya na talagang nagustuhan ko. Naisip ko nga sana mayaman nalang ako para matulungan ko siya na makapag-aral sa kolehiyo, nalulungkot kasi akong makita na nahihirapan siya. Pero wala akong magagawa dahil hirap din kami sa buhay. Kaya nga nag-aaral ako ng mabuti para makatapos ako sa kolehiyo dahil gusto ko siyang tulungan. At gusto ko bago ako mag-asawa mag karoon kami pareho ng magandang estado sa buhay dahil pinangako namin sa isat-isa na walang mang-iiwan sa ere.